Your Online Pinoy Celebrity Gossip and Trivia Portal ( Chismis is My Business In Showbiz! )
Sa set ng bagong soap opera ng GMA-7 na All About Eve sa CCP Complex ay nakapanayam ng PEP si Jean. Inamin naman ni Jean na nagde-date sila ni Jojo, pero hindi pa raw sila umaabot sa malalim na pagkakaunawaan.
“Aaminin ko naman kung kami na ni Jojo, pero hindi pa kami talaga,” sabi ni Jean. “Yes, we do go out on dates at hanggang doon lang muna kami. Nasabi ko naman kasi sa sarili ko na sa simula ng 2009, yung trabaho ang uunahin ko at saka na lang ang magkaroon ng seryosong relasyon. Ayoko muna kasing ma-involve. Kasi kapag gano’n ako, I easily get hurt kapag may hindi magandang nangyayari.
“I started going out with Jojo around November of 2008, and I made it clear to him na this is just a date thing. Wala munang seryosohan and he’s okay with it,” paliwanag ng aktres.
SUNSHINE’S EX. Matagal na raw nakilala ni Jean si Jojo. Ito ay noong panahon na girlfriend pa ng businessman si Sunshine Dizon.
“Nasa isang soap drama pa kami ni Shine noon. He would visit Shine sa set namin at doon ko siya nakilala. Eventually, naging magkaibigan kami. Noong matapos na ang relasyon nila ni Shine, it took a long time bago kami nag-date. Hindi nga ako aware na hindi na pala sila ni Shine,” lahad ni Jean.
Hindi ba sila nagkakailangan ni Sunshine ngayon since iisang lalake ang na-link sa kanila at magkasama pa naman sila sa All About Eve?
“In fairness, walang gano’n,” nakangiting sagot ni Jean. “Kami ni Shine, para na kaming magkapatid niyan. Sa mga napagsamahan naming mga shows, we always have this time na mag-usap parati. Open naman si Shine sa akin and I am open to her as well. Ganyan naman kami.
“Noong nangyari nga itong kay Jojo, nag-usap naman kami ni Shine about it. She said na walang problema sa kanya because tapos naman na raw sila. Ako naman, I said na wala pang seryosong nangyayari. We’re just dating lang and that’s it.
“Wala namang nabago sa amin ni Shine, e. We’re still open to one another. Hindi namin hahayaan na may makasira sa pagiging magkaibigan namin. Hindi rin naman gano’n kababaw si Shine to begin with.”
2 Responses for "Jean Garcia admits dating businessman Jojo Manlongat but says he’s not yet her boyfriend"
hoy matanda ka na! di na bagay sau mag date date! lola jean
un know this jojo is the father of angelu deleons one child,..at naging syota din ni sunshine dizon diba??well,..jean garcia naman ba??well…………read my lips,…ummmmmmmmm
Leave a reply