Your Online Pinoy Celebrity Gossip and Trivia Portal ( Chismis is My Business In Showbiz! )
Nabigla si Bea Alonzo sa mga nakapansin ng paglaki ng dibdib niya ngayon during the pressscon kung saan pormal na siyang ipinakilala bilang bida sa Pinoy version ng Betty La Fea. Duda tuloy ng iba ay nagparetoke ng boobs ang young actress.
“Hindi, ah! Kahit tingnan ninyo pa,” biro ni Bea. “Mamatay man ako, hindi ako nagpa-enhance. Hindi ko nga alam kung bakit lumaki.”
AHHH… ESTROGEN. Ilang sandali lang ay biglang naalala ni Bea na umiinom siya ng estrogen (natural female hormone) para sa kanyang hormonal imbalance. Ito raw ang advice ng kanyang OB-Gyne para maging normal ang kanyang monthly period.
“Dati po kasi umaabot ng four to six months ang irregularity ng period ko. ‘Tapos pumapangit po ang ang skin mo. ‘Tsaka alam mo yung feeling na may dirt ka sa loob na hindi lumalabas?
“‘Tapos ‘pag nagka-period ka naman, tumatagal ng two weeks bago matapos. At grabe kasi maya’t maya ang daloy, parang gripo! Ang sakit-sakit pa niya kasi ang lalaki nung lumalabas. Pero ngayon, regular na dahil sa tini-take kong gamot.”
Marami naman ang pumupuri kay Bea na kahit nakipaghiwalay na sa dating boyfriend na si Mico Palanca ay ang ganda-ganda pa rin niya.
“Magaling lang po akong magdala. Talent ko po yun, e. Naging mutual naman ang decision namin. Walang third party involved. Para mas mag-grow kami individually,” nakangiting sabi ni Bea.
Source:PEP
One Response for "Bea Alonzo Explains ‘Natural’ Breast Enhancement"
at least natural padin, sana ganto nalang gawin ng ibang gusto mag pa enhance instead of undergoing a dangerous procedure….cute naman ng shot ni bea dito…
Leave a reply