Dennis Trillo gives Carlene Aguilar the right to be happy
Ginanap ang victory party kaninang tanghali, October 8, sa Imperial Palace Suites sa may Tomas Morato, Quezon City.
Naunang dumating si Dennis kahit galing pa siya sa taping ng kanyang upcoming primetime series sa GMA-7, ang Gagambino. Kahit halatang pagod at halos walang tulog, naging game si Dennis na magpa-interview ngunit hindi niya alam na ang tungkol sa bagong inspirasyon ng ina ng kanyang anak at dating girlfriend na si Carlene Aguilar ang itatanong sa kanya.
Unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pangalan ng sinasabing masugid na manliligaw ngayon ni Carlene nang namataan namin itong katabi ng ina ni Carlene sa audience ng Celebrity Duets Season 2 taping noong Sabado, October 4. Paglabas ng Studio 3 ng GMA Network Center, nakasabay namin ang binata kung kaya’t tinanong namin ang kanyang pangalan at nagpakilala nga itong si Yo Ocampo na isang dating model.
Ang unang tanong namin kay Dennis ay kung kilala niya ba si Yo at kung nagkita na sila. Ayon sa young actor, nabanggit na raw ito ni Carlene sa kanya ngunit hindi pa sila nagkikita at wala pang formal na introduction.
“Hindi ko naman siya tinatanong tungkol dito, basta may karapatang lumigaya si Carlene,” sabi ni Dennis.
Inamin naman ni Dennis na minsan ay nagkabiruan na sila ni Carlene na ipakita sa kanya ang picture ni Yo. Pero out of curiosity lang daw ito at hindi na nila napag-usapan pagkatapos.
Walang naging sagot si Dennis sa mga tanong kung maging malapit ang kanyang anak na si Calix kay Yo, o kung madatnan niya ang binata sa araw ng bisita niya sa anak niya. Labas na raw kasi siya sa usapang love life ni Carlene at kahit siya ay nanahimik na rin at trabaho na lang ang inaatupag.












Related Posts from the Past:
Leave a Reply