Lani Mercado has no more problems with Ruffa Gutierrez and Gretchen Barretto

Usap-usapan ang hindi pagdating ng aktres na si Lani Mercado sa The Buzz last Sunday, July 20, kasama ang kanyang mister na si Senator Bong Revilla para personal na batiin ang co-host ng programa na si Cristy Fermin sa kanyang birthday celebration.

Iniintriga kasi na kaya hindi pumunta sa The Buzz si Lani ay dahil iniiwasan niya ang isa pang co-host na si Ruffa Gutierrez. Matatandaan na nagkaroon ng isyu sina Lani at Ruffa dahil sa pang-iisnab diumano ng misis ni Bong sa dating beauty titlist sa isang birthday party.

Nagpaliwanag naman si Lani rito nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni Cristy sa Metro Bar noong July 22.

“Hindi, kasi ang dinig namin sa phone, ang special guests ni ‘Nay Cristy, si Willie [Revillame] na lang at saka si Bong. So, hindi na ako kasama. I took advantage of the time to fix Inah’s [Lani's daughter] baby shower na magaganap sa Sabado [July 26]. ‘Tapos, all of a sudden, Bong called me nung mga five o’clock in the afternoon kasi ipo-phone patch ako. Sabi ko, ‘Ano’ng nangyari?’ Akala ko hindi na ako kasama, e. ‘Hindi, hindi. Kailangan ka pala.’ ‘Tapos tawa siya nang tawa,” paliwanag ni Lani.

If ever ba ay handa naman siyang makipagkita kay Ruffa sa The Buzz?

“I was ready,” sagot ni Lani. “Actually, nagte-text na nga ako. Nagpaayos na ako ng buhok ko. Nag-text na ako kay Miss Nancy [Yabut, executive producer ng The Buzz] kung anong call time namin. ‘Tapos we find out, sabi ni Bong, ‘O, huwag na raw.’ Ang guest daw talaga si Willie at si Bong. So, yun ang pagkakaintindi naming pareho ni Bong.”

Wala na ba silang problema ni Ruffa?

“Wala naman,” sabi ni Lani. “Nagbati na kami ni Ruffa noong burol ni Daboy [Rudy Fernandez]. Wala namang kaso. Ang sabi ko pa nga noon, ayaw ni Daboy ang nag-aaway.”

NO PROBLEM WITH GRETCHEN. Nagpang-abot din si Lani at si Gretchen Barretto sa birthday party ni Cristy. Nagkaroon naman ng kaugnayan noon si Gretchen sa mister ni Lani na si Bong.

“Oo, nandito siya ngayon. Kausap ko siya nung burol ni Daboy. Wala namang problema. Nag-usap na kami noon. Yun nga lang, hindi matagal. Kasi marami rin namang tao doon,” lahad ni Lani.

Bumati ba sa kanya si Gretchen?

“Wala pa. Napadaan lang.”

Wala bang problema sa kanya kung mag-besohan sina Bong at Gretchen?

“Wala namang problema. E, di mag-smile.”

Biro namin, baka “kindat-kindatan” ni Gretchen si Bong?

“Pagmasdan mo!” tawa niya.

Hindi ba siya nag-alala na baka kindatan din ni Bong si Gretchen?

“Bahala na. Matatanda na tayong lahat.”

Share and Enjoy:
  • del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb