Vic Sotto discovers Dolphy’s humanity during “Double Trouble” shoot
At bukod kay Tito Dolphy na kinikilalang Comedy King, si Vic na ang maituturing na susunod sa pinakamahusay na komedyante ng bansa. Sa sarili niyang istilo at approach sa pagpapatawa, gumawa na siya ng sarili niyang marka sa industriya ng pelikulang Pilipino.
ANG PAGKATAO NI DOLPHY. Sa pelikulang Double Trouble kung saan kasama ni Vic ang Comedy King, sinabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng komedyante na ang pagkakasama nila ni Dolphy sa isang pelikula ay isang napakalaking bagay para sa kanya.
“Ang makagawa lang ng pelikula with Dolphy ay kino-consider ko na isang malaking bagay sa aking career as a producer and as a comedian. Sa pelikulang ito ko nakilala ang pagkatao ni Dolphy, nakita ko yung pakikitungo niya sa kapwa, kung paano siya magtrabaho.
“Magkakilala kami, pero ‘showbiz kilala’ lang nung araw. Nagkikita lang kami sa ABS. ‘Pag nagkakasalubong kami, ‘Kumusta na?’ Ganun lang. Pero sa pelikulang ito nakatrabaho ko siya, halos every day, magkatrabaho kami. Kuwentuhan about everything under the sun, tungkol sa buhay namin. Narinig ko yung advice niya sa tao, nakita ko yung kagandahan ng pagkatao niya, kung gaano siya tunay na mapagmahal na ama.”
MASARAP KATRABAHO. Ayon pa kay Vic, nag-enjoy talaga siya nang sobra-sobra sa itinakbo ng shooting ng Double Trouble. Natapos nga raw ito ng hindi na nila halos namamalayan.
“Tapos na tapos na. Maganda yung itinakbo ng aming shooting. Parang wala lang nangyaring trabaho, kasi masaya sa set. ‘Pag masaya ka sa ginagawa mo, nag-e-enjoy ka, di mo napapansin na alas-kuwatro na pala ng umaga at balewala lahat ng pagod mo, enjoy ka kasi from start to finish.
“Nung last shooting day nga, ‘Bah, last shooting day na pala tayo?’ Last day na pala, kasi bitin, parang gusto pa namin. We really had fun. We’re proud to present this to the people at sinisiguro namin na kung papanoorin nila itong Double Trouble, double din yung fun and laughter nila. This is for the whole family and will be shown on August 3.”
SPECIAL GUESTING. Kahit na taga-Kapuso station si Vic ay isa siya sa special guest para sa birthday special ni Tito Dolphy sa ABS this coming August 3.
“I’m very happy, I’m very glad and excited that I’m part of this celebration. Kaya nga nung nagpasabi sila na sali daw ako sa special na ito, sabi ko, ‘di puwedeng ‘di ako kasali diyan. Hindi sila nagdalawang-salita pa.”
DOUBLE WEDDING SANA . Nang tanungin namin kung ano ang birthday wish niya para sa Comedy King, heto ang sagot sa amin ni Vic.
“Nabangit ko nga na isa sa wish ko para sa kanya aside from many birthdays to come, sabi ko nga ang wish ko ay makapag-asawa na siya, magpakasal na siya. Dahil Double Trouble yung title ng movie namin, double wedding na rin kami.”












Related Posts from the Past:
Leave a Reply