Marian Rivera Keeps Her Promise To Go Topless in “Dyesebel”

marian riveraTruly the biggest female star of GMA-7 today, isang napaka-pabulosang presscon ang ibinigay ng Kapuso network for Marian Rivera’s follow-up project after the phenomenal Marimar, ang Dyesebel. Done at the poolside of Sofitel Philippines Hotel last night, April 21, the press launch included mermaids and mermen swimming in the big pool of the hotel before the presscon started and the performance of the Philippine synchronized swimming team doing their water acrobatics while the theme song is being sung by Julie Ann of Sugarpop.

Si Marian ang naging star of the night sa kanyang suot na red gown. Halos lahat ay tinanong sa kanya ng entertainment press, which she all answered impressively.

“TOPLESS KUNG TOPLESS.” Ang unang tanong, kapansin-pansin sa ilang eksena na lumalangoy siya bilang Dyesebel na dangerously risqué, kung saan palaging parang muntik-muntikan nang makita ang kaniyang dibdib. Tinotoo niya kasi ang promise niyang “topless kung topless” playing the most famous Filipino mermaid.

“Let’s just say well protected ako. Hindi naman siguro ako makikitaan dito kasi wholesome ang show namin na puwede ring panoorin ng bata,” paliwanag niya.

Asked kung ano ang suot niya underneath the mermaid costume, cycling shorts lang daw para mas magaaan dahil as is, napakabigat na ng costume niya.

“Gumagaan lang ito kapag nasa tubig na. Pero kapag nasa lupa ako, ang bigat nito. Naaawa nga ako sa mga nagbubuhat sa akin kasi alam ko ang bigat ko dahil sa costume ko,” aniya.

Sabi rin ni Direk Joyce Bernal, mas close ang character niyang Dyesebel sa tunay na Marian Rivera kesa kay Marimar. Sumang-ayon naman dito ang young actress.

“Kasi ang character ni Dyesebel, kalog. Ganoon din ako, masayahin akong tao,” paghahambing niya.

Wala ring expectation si Marian sa Dyesebel kung malalampasan ba nito ang nagawang phenomenon ng kanyang first solo soap na Marimar.

“Ayokong mag-expect. Ang sa amin, basta mas mapaganda namin ito, mas magustuhan ng tao, at mas maging masaya sila sa Dyesebel, okay na ako.”

INTRIGUING DYESEBEL. Inintriga rin namin si Marian. Sa presscon kasi ng Maligno ni Claudine Barretto last week sa ABS-CBN, isa sa mga co-stars nitong si DJ Durano ang nagsabi na “yung mga lumalangoy-langoy sa dagat, e, makakalimutan n’yo” habang ipinu-promote ang bagong horror series ng ABS-CBN, na incidentally ay magpi-premiere din sa April 28 gaya ng Dyesebel. Obviously, ang Dyesebel nga ang tinutukoy ni DJ.

“Ay, hindi ko pa nga alam kung ano ang makakatapat namin, e,” reaksiyon ni Marian. “Trabaho lang ang iniisip ko. Saka alam ko naman na hindi mo mapi-please ang lahat ng tao. Sadyang may mga maka-Kapuso at may maka-kabila. Kung mas magiging masaya ang mga Kapuso dahil sa show namin, okay na yun.”

Isa pang intriga, bali-balita noon na kay Anne Curtis unang in-offer ang Dyesebel ngunit hindi lang ito natuloy dahil hindi nakalipat si Anne sa GMA-7. Ano ang masasabi niya rito?

“Wala akong narinig,” sabi ni Marian. “Alam n’yo, nang in-offer sa akin ang Dyesebel, may tinanungan din ako kung na offer na ba ito sa ibang artista. Ang sagot sa akin, wala raw.

“Pero kung sakaling may una ngang na-offer-an ng Dyesebel at tapos ibinigay sa akin, tatanggapin ko pa rin nang maluwag. Dyesebel ito, bakit ko naman tatanggihan?”

Pinaalala naming noong kalagitnaan pa lang ng Marimar, when we asked her kung ano ang gusto niyang maging next project, ang lumilipad (Darna) or ang lumalangoy (Dyesebel), noon pa lang, Dyesebel na ang pinili niya.

“Ah talaga? Kung gayon, pinagpala pa rin ako ni Lord,” sabi ni Marian.

Source: PEP

Share and Enjoy:
  • del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • YahooMyWeb