John Estrada Arrested at International Airport
Tulad ng nangyari sa kanya noong nakaraang taon, nalagay na naman sa alanganing situwasyon si John Estrada sa isang airport.
Last year, napasubo si John sa General Santos City airport, nang pigilan siya ng aviation security police na sumakay ng eroplanong pabalik ng Maynila. Nagbiro kasi itong may dala siyang bomba sa kanyang bagahe. Noong mga panahong iyon (at magpahanggang ngayon), mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibiro tungkol sa pagdadala ng bomba sa mga paliparan.
Ngayong taon namang ito, March 20, Huwebes Santo, sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport), inaresto si John Estrada ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG).
Ayon sa balitang lumabas sa Philippine Star ngayong araw, March 23, 2008, nahulihan si John sa kanyang backpack ng labinlimang bala at isang magazine para sa 9 mm Gloc handgun. Wala namang handgun na nakita sa kanya.
Pasakay sana noon si John ng Malaysian Airways flight papuntang Kuala Lumpur, Malaysia, kasama ang kasintahang Brazilian beauty queen turned model na si Priscilla Meirelles, actor Richard Gomez with wife Lucy Torres and daughter Juliana, at iba pang mga kaibigan, para manood ng grand prix racing doon. Nang dumaan sa final x-ray ng paliparan ang backpack ni John ay doon nakita ang mga bala.
Ayon pa sa report ng Philippine Star, walang maipakitang kaukulang papeles si John para sa mga bala. Kaya tuluyan nang inaresto ang aktor at kinasuhan ng PNP-ASG, headed by Senior Superintendent Efren Labiang, ng “illegal possession of ammunitions” sa Pasay City prosecutor’s office.
Nakalipad papuntang Malaysia sina Goma at iba pang mga kasama ni John, pero nagpaiwan si Priscilla para samahan ang inarestong boyfriend.
Ayon pa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) source, naposasan si John nang inaresto, at isinakay sa isang police vehicle, kasama ang mahigit sa apat na police personnel.
Nakuhanan naman ng pahayag si John habang sakay ng pasibad nang police vehicle. “It was an honest mistake,” ani John sa mga humahabol na reporter.
JOHN THE JOKER. Nakausap ng PEP ang manager ni John na si Douglas Quijano kaninang alas singko ng hapon. At mula sa kanya, napag-alaman naming gumaan na ang situwasyon ni John mula noong Huwebes.
Ayon pa kay Tito Dougs, nakaalis na nang sumunod na araw, Biyernes, sina John at Priscilla patungong Malaysia. Dinagdag pa ng batikang manager, na tinawagan pa niya si John, Biyernes ng umaga, at nagbiruan pa sila.
Kuwento ni Tito Dougs, sinabihan pa niya ang alaga niya ng, “I-band-aid mo ‘yang bunganga mo, at check-in mong mabuti ‘yang bag mo, at huwag kang magdala ng kung anu-ano.”
The joker that is John replied to Tito Dougs, “Hay, Dougs. Wala na akong dadalhin, maski na maleta, pati na damit, wala na. Magta-trunks na lang ako.”
Balik naman daw ni Tito Dougs sa nagbibirong si John, “Sige ka, nang kasuhan ka naman ng indecent exposure!”
As of this writing, naghihintay pa rin ang PEP ng statement mula kay John hinggil sa latest na gusot na pinasok niya.
Watch the video after this jump………
Source:PEP












Related Posts from the Past:
Leave a Reply